Web counter

Saturday, March 7, 2015

                      

Nakita ko lang sa dati kong blog---6 years ago....sarap balikan :)

march 16, 2009

Papel

Sa haba na ng ating nilakbay sa pag-agos ng ating buhay, saan na nga ba tayo napadpad? Mas nakaangat na ba tayo ngayon o tayo ay nanatili pa rin sa dati nating estado o mas bumaba pa? Marami na ba tayong natutunan? 
Sa paglipas ng panahon unti-unti akong namumulat sa tunay na kulay ng aking mundo. Hindi laging asul ang kulay ng dagat, maaari pa rin itong maging kulay itim kung di natin aalagaan. Hindi lahat ng bagay ay ibibigay sa atin ng panginoon. Malakas pa ring sagwan ang paggawa o pagsisikap upang makaabot at magisnan ang islang ating nais daungan. Hindi sa lahat ng pagkakataon tayo ang bida minsan kailangan muna nating magsimula sa pagiging extra o sa mababang papel sa isang pagtatanghal.Naalala ko noong napunta ako sa isang tindahan kung saan ko napakinggan ang isang kwentong tumatak sa aking isipan. Ang nasabing kwento ay tungkol sa isang batang nais maging bida sa isang play. Ngunit hindi siya pinalad na makuha ang kaniyang pinapangarap na papel, ang maging bida. Kasama pa rin siya sa play ngunit isa lamang extra. Siya ay gaganap bilang isang mayamang bata na bibili sa tindahan. Ang kanya lamang sasabihin ay “ Pagbilan nga po.” at “ Salamat po”. Labis siyang nalungkot kaya naman gumawa ng paraan ang kanyang ina upang gumaan ang loob ng kanyang anak. Sinabi niya rito na okay lang na hindi napunta sa kanya ang papel ng bida sinabi niya na dapat nitong pagbutihan at gumanap sa pinakamahusay niyang paraan. Sinabi pa ng kanyang ina na tutulungan niya itong paghandaan ang gaganaping play. Simula noon ay araw-araw nang nagsasanay ang bata kahit na kaunti lang ang kanyang linya at lagi din namang nakaalalay ang kanyang ina. 
At nang dumating na nga ang araw ng pagtatanghal, binihisan ng ina ang kanyang anak ng magarbong damit pangmayaman kaya naman agad siyang napansin ng mga manunood. Sinambit niya ang kanyang linya sa pinakamagandang kanyang magagawa at dinagdagan pa niya ito. Nang ibibigay na sa kanya ng tindera ang sukli sinabi niya dito, “Keep the change!” Natuwa ang mga manunood at kahit hindi siya ang bida ay napansin pa rin siya dahil sa kagalingang kanyang ipinamalas. Napakasimpleng kwento ngunit napaka lawak ng pakahulugan. Sa mundong ating ginagalawan kadalasan ay nagsisimula tayo sa maliit. Ang puno, kailangan munang magsimula sa pagiging buto bago ito lumaki at lumago. Hindi ka makakarating sa taas ng hagdanan kung hindi ka magsisimula sa unang bahagdan. Hindi na mahalaga kung nasa mababa man tayo ngayon. Ang bigyan natin ng pansin ay kung paano tayo makakarating sa itaas. Dahil tulad nang isang play bawat isa sa atin ay may mahalagang ginagampanan. Hindi ganap na mabubuo ang palabas kung walang extra. Kaya naman subukan pa rin nating gawin ang ating makakaya upang gampanan ang ating papel ng mahusay sapagkat ito ang magbubukas ng pinto sa mas malaking oportunidad para sa atin.



Crossover is a place for crossing from one side of something to the other. The title of my blog came from story from the bible in the book of Joshua where the Israelites crossover, from Egypt, the place where they suffered, going to the Promise land that the God was given to them.

As a teacher of the 21st century, we are now on our crossover, embracing the technology offers us through the use of computer. From old teaching style, we are now going forward to our Promise land, the world on which the learning will be more fun and productive. As a teacher we are the first to step on that promise land and guide our learners to move up. Teachers, let us now Crossover!